INTEX RECTANGULAR POOL - The REALLY Complete Set

4 years ago
18

Dahil sa lagim, maraming mga plano ang nasira, mga lakad na napurnada at mga buhay na naantala. Mabuti nalang at anjan lang ang Lazada, Shopee at Facebook Marketplace para sa mga online shopping needs. Hindi na kailangan pang lumabas ng bahay para lang makabili ng mga kailangan. Kahit nga yung mga hindi masyadong kailangan, nakakalusot din.

Halos isang buwan kaming naghahanap ng matinong online seller ng Intex Rectangular Pool. Yung ibang napagtanungan namin, mga echosera. On-hand daw pero wala pa pala. Kukunin pa daw sa bodega. Ang ending, wala pala talaga. Mabuti nalang at may nahanap akong online seller sa FB Marketplace. Siya ang unang matinong naka-transaksyon ko sa FB Marketplace. Promote ko na rin siya. Just search for "Just For Kicks PrelovedPH" sa FB Marketplace. Marami siyang tinda na magugustuhan niyo at may actual pictures pa ng mga customers niya. Same day delivery. Ang bayad, through GCash kaya convenient.

Siguro hindi ko lang naisip in advance na hindi lang basta rectangular pool ang kailangan namin. Hindi ko naisip ang maintenance. Kaya napabili pa kami ng pool filter. At hindi pa pala sapat ang pool filter dahil kailangan din ng chlorine tablets na ilalagay sa loob ng lumulutang ng chlorine dispenser. Kapag walang filter ang pool, maraming lumulutang na chismis. Kapag walang chlorine tablets, madulas na ang tubig at amoy kanal na siya after 2 days matapos na may magswimming. Kapag walang chlorine dispenser, masisira ang trapal ng pool kapag direktang nakadikit ang chlorine tablets. Magkaka-konekta talaga sila.

Kaya mahalaga ang mag-research ng lahat ng kailangan bago bumili ng isang bagay. Kapag hindi napag-planuhan, mas magiging magastos or sayang lang talaga ang pera mo, lalo pa ngayon na mahirap ang buhay dahil sa crisis. So ngayon, malapit nang mag-tag-ulan at ngayon ko lang natapos ang pag-edit ng video na ito. At least madali lang naman siyang iligpit at itago para sa susunod na summer adventures. Sa ngayon, enjoy nalang sa mga natitirang summer days sa loob ng bahay. Sana next summer, pwede nang pumunta sa Bohol.

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #IntexPool #RectangularPool

Loading comments...