NEW NORMAL: Salon Experience at Cresel Creation Salon

4 years ago
3

Ang haba ng hair! As in mahaba na talaga dahil simula March, wala pang gupit-gupit dahil sa pagsasara ng lahat. Hindi ko naman pinangarap gupitan ang sarili ko ara lang magka-content sa YouTube kaya tiis-tiis muna. Tutal, nasa bahay lang naman madalas at wala namang pictorial na magaganap. Maalsa pa naman ang buhok at buhaghag kapag humahaba. Parang Nova Villa, mga ganung level.

Kaya nung na-invite kami ng Cresel Creation Salon... Yeeeess naman! Ini-invite na kami ngayon! Ibang level na. Hahaha!!! Salamat pala sa invitation! So ayun nga, nung na-invite kami, nagpa-schedule kami agad-agad. Mabuti nalang at may branch sila sa Sta. Lucia Mall kasi mas malapit yun sa amin kumpara sa branch nila sa Taytay.

Promise, iba talaga ang ine-expect namin kasi Sta. Lucia Mall. Nagulat kami kasi mas bongga pa pala sila kumpara sa mga kilalang franchise na salon. Nag-invest talaga sila sa mga gamit na pang-sanitize at pang-disinfect ng buong salon. As in kinarir nila. May mga pumipila talaga sa labas ng salon para sa services nila kaya alam namin na mas preferred sila ng mga tao kumpara sa ibang mga salon sa paligid.

Affordable ang services nila at mararamdaman mo talaga na gumanda or pumogi ka dahil professionals ang mga staff nila. Kung gusto niyo ng bagong experience sa salon, magpa-appointment muna at sugod na, mga kapatid!

___________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #NewNormal #CreselCreationSalon

Loading comments...