Victorinox FieldForce Sport Chrono Watch

4 years ago
5

Mas natutuwa ako sa totoong watch na ito kumpara sa smart watch ko. Hindi ko naman talaga kasi nagagamit ang ibang features ng smart watch at mejo nakakainis na kasi palagi nalang siyang lowbat kapag gagamitin ko na. Minsan, suot ko siya pero wala namang charge at naka-off din so for display only ang eksena.

Nung weekend, bumili lang ako ng bond paper sa National Bookstore sa SM Megamall. Paglabas ko, nasa Chronos na ang mga kasama ko at nagtitingin ng relo. So sinundan ko sila doon at ang ending, ako ang napabili ng relo. Hindi naman ako nagsisisi kasi iniisip ko na rin dati na bumili ng totoong relo. Hindi ko lang inexpect na agad-agad ako mapapabili dahil sa 20% discount.

At kumakaway talaga sakin tong design ng Victorinox watch na ito kaya pinatulan ko na ang pang-aakit niya sa akin. Ang cute pala ng box niya. Parang explosion box. Kaparehas nung sa Tag Heuer na nabili namin sa Taipei.

___________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #Victorinox #SwissArmy #SwissWatch #FieldForceSportChrono

Loading comments...