Christmas 2020 - SM Department Store in SM Megamall

4 years ago
30

Sorry pero hindi ko sinasadya na maging ma-drama ang video na ito. Unang-una, Pasko ang theme. Alam naman nating lahat na September pa lang, Pasko na para sa lahat ng mga Pinoy kahit saang dako ng mundo. Nangunguna na ang mga mall dito sa Metro Manila sa pagkakabit ng mga Christmas displays pagdating ng September 1. Sa ibang bansa kasi, may Halloween at Thanksgiving pa. Kahit nakiki-uso tayo sa mga yun minsan, Paskong-Pasko na tayo agad.

Pero yun nga, mejo na-carried away ako sa mga captions. Parang naging madamdaming TV commercial tuloy ang dating. Kasi naman, alam naman nating lahat ang lungkot at takot na dala ng lagim na lumalaganap simula pa nung March 2020 sa buong mundo. Kung bibilangin ang pagsabog ng Taal Volcano, eh di nagsimula ang lahat ng lagim nung January 2020. Kung pwede lang na hindi nalang bilangin ang 2020 sa kalendaryo. Ibig sabihin, delayed ang pagtanda nating lahat ng 1 year kasi hindi naman natin ito nagamit.

Pero seriously, dapat tayong magpasalamat sa lahat ng bagay. Pati sa mga pagsubok at problema. Dahil ang ibig sabihin nun, buhay pa tayo. Hindi naman tayo bibigyan ng problema at pagsubok ng Diyos na hindi natin kaya. Binigay sa atin yun dahil alam ni God na kaya natin yun. At kapag nakaya natin yun, magiging living proof tayo na kaya natin pagtagumpayan ang lahat ng dumadating sa atin.

Yung pag-gising na nga lang sa umaga (or gabi kung night shift ang work mo), pinakamagandang regalo na yun na natatanggap natin araw-araw. Bonus nalang yung blessings na tinatanggap natin. Kaya dapat tayong magpasalamat kay God sa lahat ng mayroon tayo. Makuntento kung anong mayroon dahil hindi lahat, nagkakaroon ng kung anong mayroon ka. Magpasalamat sa kung anong kayang ibigay ng mga magulang. Huwag maging inggitero.

Alam niyo (mga kabataan ngayon), huwag kayong mainggit sa mga nakikita niyo sa social media. Binabayaran at may sponsors yang mga idol niyong influencers para inggitin kayo sa social media. Kapag nainggit kayo, syempre magpapabili kayo sa mga magulang niyo. Yung iba, magpapa-booking para lang sa luho. So kikita ang mga sponsors ng milyon-milyon which is sampung beses na doble pa sa ibinayad nila sa idol niyong influencers para lang inggitin kayo. Kaya nga sila tinawag na influencers eh. Kasi malakas sila mang-influence. Gets niyo ba?

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #Christmas2020 #PandemicChristmas

Loading comments...