Unboxing: Audio-Technica Bluetooth Turntable AT-LP60xBT

3 years ago
10

Wala akong kaalam-alam na marami na rin pala ang interesado ulit sa pangongolekta ng mga lumang vinyl records or plaka. Marami kaming magagandang plaka noong bata pa ako pero hindi ako interesado dati kasi siyempre, bata pa ako. Laro sa kalye was life. Nalaman ko nalang na inanay na pala yung mga plaka namin at matagal nang itinapon. Hindi na kami ulit nakabili ng vinyl player.

Fast forward to present time (unfortunately, pandemic time), nagkaroon na ulit kami ng chance na bumili ng isang turntable/record player/plaka player. Hindi namin alam kung anong brand, model at features ang hahanapin talaga. Pero maraming magandang reviews ang Audio-Technica AT-LP60xBT kaya ito nalang ang napili namin. Pwede na siyang ikabit sa bluetooth speaker, headset or earphones. Bongga, diba!

Kung itatanong niyo kung bakit naisip namin na bumili nito, heto na ang sagot kaya kumapit na kayo. Masaya sa pakiramdam kasi pinaghirapan mong mahanap ang gusto mong music. Alam kong napakadali nalang makakuha ng MP3 ngayon ng kahit anong music na gusto mo kahit nakapikit ka pa. May voice command na kas sa phone. Pero kakaibang saya ang nararamdaman ko tuwing nakakapunta kami sa mga record store na maraming lumang vinyl. As in kaya kong maghalukay maghapon, lalo na ang mga 45rpm or 7" vinyls. Kebs na kung hikain ako sa alikabok after maghalukay.

Unti-unti na naming napaparami ulit ang mga vinyl records namin dito sa bahay. Pati CD at cassette tapes, pinapatos ko na rin kasi yun yung mga hindi ko mabili dati dahil wala akong pera. Ngayon, kahit luma na, binibili ko pa rin. Hindi kasi kumukupas ang magandang music kahit lumipas pa ang mahabang panahon.

_________________________________________________

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #AudioTechnica #ATLP60XBT #BluetoothTurntable

Loading comments...