Binaha Kami sa Pasig!!! Bagyong Ulysses | November 11, 2020

4 years ago
2

Kung hindi pa naman tayo naka-quota sa mga delubyo at pandemya sa taong 2020, ito pa ang isa. Nakaligtas man tayo dito sa Metro Manila kay Bagyong Rolly pero hindi naman tayo pinalampas ni Bagyong Ulysses na may international name na Typhoon Vamco. Ngayon lang ako naka-experience ng baha. Actually, pangalawa na pala dahil sumugod din pala kami ni Betong sa baha na dala ni bagyong Ondoy nung September 2009. After 11 years, andito ulit ako sa baha. Same place pero hindi na ako lumusong sa baha this time. Umasenso na ako kahit papano. Charot! Nagpa-park kami ng mga sasakyan ng mga kapitbahay sa elevated na garahe namin. Sa oras ng kagipitan at pangangailangan, hindi kami magdadalawang isip na tumulong hangga't kaya namin. By the way, hindi po ako nangangampanya, ok? O siya. Wala pa ring kuryente sa mga oras na ito. Sana magkaroon na mamya. Sa ngayon, pupunta muna kami sa Unimart sa Capitol Commons para bumili ng supplies like kandila, off lotion, dog food at food namin. At gas pala for the generator para just in case hindi pa maibalik ang kuryente agad, hindi kami luhaan sa dilim at lapot-lapot sa init mamyang gabi.

________________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #BagyongUlysses #RescuePH

Loading comments...