My First Time In Tokyo DisneySea

3 years ago
8

Tokyo DisneySea

Sa lahat naman ng araw na meron sa isang taon, kung bakit doon sa kaisa-isang araw na pupunta kami sa Tokyo DisneySea, doon pa talaga uulan. Nakakalorka! Napabili tuloy kami ng mga payong na naman sa isang convenience store sa train station. At nakakainis dahil bitbit namin ang mga payong kahit sa mga rides sa loob ng DisneySea. Ang dami tuloy naming bitbit buong araw.

At ang lakas makadugyot ng ulan ha! Mejo mainit kahit maulan dahil sumingaw ang mga semento, lupa at aspalto sa Japan. Raaaar!!! Pati tuloy yung rubber shoes ko, bumaho dahil nasawsaw sa mga basang daan. Kung pwede lang mag-sandals. Bakit nga ba hindi nalang ako nag-sandals? Wala nga pala akong dalang sandals. Bibili dapat ako kaso hindi kasya yung gusto ko. Kaya ayun, tiniis ko buong gabi ang mabahong paa hanggang makabalik sa hotel. Kadiri.

Sa totoo lang, muntik ko nang itapon yung rubber shoes ko kaso mahal pala yun. Nakapag-laba tuloy ako sa Tokyo ng mabahong rubber shoes ng hindi oras. Siguro naman, hindi na sasakto ang ulan sa susunod na punta namin sa Tokyo DisneySea. Ewan ko nalang.

_________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #TokyoDisneySea #TokyoDisneyResort

Loading comments...