DJI Mini 2 Drone Unboxing and Sample Shots in Bohol

2 years ago
13

Malaking ginhawa ang naidulot sa akin ng pagpapalit namin ng drone. Yung unang DJI Mavic Mini drone namin, parang may sariling buhay at may attitude kadalasan. Bigla nalang magdi-disconnect sa remote control habang lumilipad. Hindi ko ma-explain yung kaba sa tuwing nangyayari yun. Parang nagkakaroon ako ng mini-heart attack dahil hindi ko alam kung babalik pa ba siya or dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko, diba Regine?

Yun ang eksena nung unang beses ko siyang paliparin. Bagong bili at wala pang limang oras sa amin ang lecheng drone na yun. Pag-pindot ko ng Return-To-Home button, lumipad mag-isa ng 500ft. Jusko. Gusto kong himatayin dahil dumilim na ang paligid at nawalan na kami ng pagasang babalik pa siya. Alangan namang isa-isahin ko yung mga bubong ng mga kapitbahay, diba? Parang nagpalipad kami ng P26,000 sa hangin. Para kaming mga ina na nawalan ng anak. Nakatulala sa tabi ng tangke ng tubig sa bubungan at halos maloka.

Mabuti nalang at bumalik yung drone bago kami bumaba mula sa bubungan. Kung mejo na-late siya ng pagbaba galing sa heaven, wala na talaga. Napa-dasal talaga ako ng matindi-tindi para magpasalamat sa Diyos dahil binalik niya sa amin ang hinayupak na drone na yun. Napaka-hayop, diba?

Anyway, hindi na ako kabado sa tuwing magpapalipad ng drone ngayon dahil di hamak na mas maganda at mas smart na itong DJI Mini 2. Mas nilu-look forward ko na ngayon magpalipad ng drone kumpara dati na para akong pinaparusahan sa tuwing papaliparin ko yung DJI Mavic Mini na yun. Isa siyang malaking stress sa amin, lalong-lalo na sa akin kasi ako ang piloto. Kung namangha na kami dito sa DJI Mini 2, ano pa kayang improvements meron ang DJI Mini 3? Beke nemen, DJI. Beke leng nemen. Hehehe.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

****************************
Song: Asia Cruise - Selfish (THBD Remix) (Vlog No Copyright Music)
Music provided by Vlog No Copyright Music.
Video Link: https://youtu.be/ngDsAexdalA
****************************

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

****************************

DJI Mini 2 Drone Unboxing and Sample Shots in Bohol

#Pasosyal101 #DJImini2 #Bohol

Loading comments...