Disappointed: Urameshi-Ya Japanese Yakiniku Restaurant In Makati

3 years ago
27

Hindi araw-araw, Pasko. Disclaimer lang. Hindi kami mga reklamador, as in. Pero minsan, kailangan na talagang malaman ng lahat ang totoo, sa totoo lang. So eto na nga. Tuluyan na akong na-trauma sa mga BBQ grill na yan dahil sa huling experience na ito. Akala ko nung una, haggard mag-samgyupsal. Aba, akalain mo at may iha-haggard pa pala sa Yakiniku restaurant na ito sa Makati. Mainit, mausok, mainit at mausok. Yun lang ang masasabi ko. Well, bukod sa walang kalasa-lasa ang karamihan sa mga na-grill namin, windang-windang ang pang-grill nila, teh! Yung tipong pwede kang ma-3rd degree burn kapag hindi mo napansin na nakatagilid na pala ang pang-grill.

Sa panahon ngayon, hindi basta-basta ang pera. Alam kong pinipilit ng mga negosyong magbukas ngayon para kumita at may mai-sweldo sa mga empleyado nila. Pero pinaghihirapan din naman namin ang ipinapambayad sa kanila, diba?

Ok na sana. Papalagpasin ko na sana ang lahat ng yun kahit masakit sa loob ko. Pero yung tanungin ka ng "last order" mo habang nagsisimula ka pa lang kumain dahil sa nagluto ka pa ng kakainin mo? Aba! Kulang nalang, sabihan kami na "bilisan niyong kumain at lumayas na kayo". Samantalang 5pm to 9pm ang dinner. 5:30pm kami dumating at halos 6:30 na kami nagsimulang mag-grill dahil nag-video pa kami sa paligid, diba? Tapos 7pm, last order na agad? Yung naunang grupo sa amin, wala pang balak umalis at nagluluto pa nung umalis kami. Hindi pa rin ba sila tinanong ng "last order" nila kahit kanina pa silang 5pm nagsimula? Napakasakit, Kuya Eddie. Dear Charo, bakit sila ganun? Hindi na talaga kami uulit magpakailanman, Tita Mel.

So kung gusto niyong mag-amoy tinapa at sawa na kayo sa magandang araw, ay perfect place to, mga mars. Sugod na! Irasshaimase! Sayonara agad-agad!
________________________________________________

Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

Disappointed: Urameshi-Ya Japanese Yakiniku Restaurant In Makati

#Pasosyal101 #Urameshiya #JapaneseBuffet

Loading comments...