ROMA Cafe | Bacoor Cavite

2 years ago
10

May bagong tambayan ang mga Pasosyal sa Bacoor Cavite. Napadaan lang kami sa Molino at nagkataon na opening day ng ROMA Cafe. Mejo maraming available na parking space kaya agad-agad kaming pumasok at pumila. Mejo matagal ang waiting time kasi kailangan pang hintayin na may lumabas para may mabakanteng table. Pag-pasok namin, may pila pa rin na pagkahaba-haba papunta sa counter. Naalala ko tuloy ang experience namin sa Ruined Project sa Tagaytay. As in ganun na ganun. Malilipasan ka ng gutom sa haba ng pila. Mejo nakaka-trauma.

Pero mas nawindang ako sa presyo ng food and drinks nila dahil konti nalang, papunta na sa presyo ng buffet sa hotel ang isang drink at isang meal. Kaloka! Kung wala kayong nakitang food na inorder namin, yun ay dahil wala kaming inorder. Naki-CR, naki-aircon at naki-upo lang yata kami. Sa totoo lang, nagutom ako ng malala sa pila kaya naghanap nalang kami ng totoong pagkain. Baka abutin ng 2k para mabusog ako, diba? Well, hindi naman pang-hampaslupa ang ROMA Cafe kaya sa ibang lugar nalang muna kami lumipat para magpaka-busog. Saktong kape-kape lang talaga ang drama sa ROMA Cafe kung gusto mo ng pang-stories at My Day.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

ROMA Cafe | Bacoor Cavite

#Pasosyal101 #RomaCafe #BacoorCavite

Loading comments...