OFW, ibinahagi ang mapait na karanasan sa giyera ng Ukraine kontra Russia
Isang OFW mula Ukraine ang nagbahagi ng kaniyang mga karanasan sa nagpapatuloy ngayon na Ukraine-Russia war.
1
view
Bilang ng mga na-rescue sa isang POGO sa Porac, Pampanga umakyat na sa 158- PAOCC
Pagkatapos sa Bamban Tarlac, ay tumungo naman sa Porac, Pampanga ang operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC laban sa iligal na operasyon ng POGO.
Sa panibagong operasyon na ito, umabot sa 158 na mga foreign national ang nasagip. ang mga ito, biktima raw ng torture at sexual trafficking.
Pruweba sa 20,000 EJK, dapat ihanda ng Kamara –Atty. Panelo
Iniimbestigahan ngayon sa Kamara ang umano’y extrajudicial killings sa war on drugs campaign ng nagdaang administrasyon. kasabay ito ng balitang maglalabas daw ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi pa ng isang mambabatas, iimbitahin sa susunod na pagdinig ang dating pangulo.
Ano naman kaya ang masasabi dito ng dating opisyal ng Duterte Administration?
2
views
Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, lumobo noong Abril 2024
Kasabay ng paglobo ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa ikalawang sunod na buwan, ay dumami rin ang bilang ng mga naghahanap ng dagdag na trabaho o mapagkakakitaan nitong Abril para ‘extra income’ daw.
Pero sabi ng isang ekonomista, hindi na kakayanin ng mga employer ang mag-hire ng full-time workers dahil sa kondisyon ng ating ekonomiya.
Pres. Bongbong Marcos, ginagaya ang ‘double-talk’ tactic ng US sa China
‘Double-talk’ daw ang ginagawang taktika ng Estados Unidos tungo sa China kaugnay sa kanilang foreign policy. at ayon sa isang political commentator, mistulang gumagaya dito ang Pilipinas?
P9-B halaga ng iligal na droga, sinira ng PDEA
Upang hindi na ma-recycle pa ng mga masasamang loob sinunog ng PDEA ang nasa mahigit siyam na bilyong piso na halaga ng iligal na droga.
Samantala, malaking hamon naman ngayon para sa ahensya ang pagkalat ng ‘magic mushroom’. kung ano ito?
15% na taripa sa rice importation ng NEDA, walang konsultasyon ayon kay Sen. Imee Marcos
Hindi umano nakonsulta ang mga stakeholder para sa bawas taripa na planong ipatupad ng National Economic Development Authority o NEDA. ito ang lumabas sa pag-uusap ni Senadora Imee Marcos at grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.
Bahagyang pagbaba ng inflation sa bigas, hindi ramdam −Consumers group
Bahagya umanong bumagal ang pagtaas ng presyo ng bigas noong Mayo ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA. ngunit para sa isang consumers group, hindi naman ito ramdam ng publiko.
Anu-ano nga ba ang dapat na ikunsidera bago sabihing 'DAMA' na ng mga nasa laylayan ang sinasabing pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin?!
4
views
Mga opisyal at residente sa Nasugbu, Batangas umapela sa pagbawi ang lupa na ipinagkaloob
Humigit-kumulang isang libong residente ng Nasugbu, Batangas ang nagtipon sa Makati freedom park araw ng Huwebes, upang umapela at ipaglaban ang pagbawi sa Certificate of Land Ownership Award o CLOA ng Roxas & Co. Inc. na ipinagkaloob sa mga residente sa bayan ng Nasugbu. aabot sa limampung libong residente ang mawawalan ng tirahan at kabuhayan kung itutuloy ng kumpanya ang demolition sa mahigit dalawang libong ektaryang lupa.
Arestadong 37 Chinese nationals, gustong ipa-deport ng BI
Gustong ipadeport ng Bureau of Immigration ang naarestong 37 Chinese nationals na sangkot umano sa illegal na pagtitinda ng pagkain sa Paranaque City.
Ayon sa BI, hindi pwedeng palampasin ang mga ganitong uri ng aktibidad lalo't nilalabag na nito ang batas sa ating bansa.
Produksyon ng asukal, posibleng maapektuhan sa pagputok ng bulkang Kanlaon
Ikinababahala ng ilang sugar producers ang pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros Island. kung lalala kasi ito ay posibleng maapektuhan ang produksyon ng asukal lalot kilala ito bilang major sugar producer ng bansa.
DOT chief, muling tiniyak na ligtas ang lugar na pasyalan sa Mindanao
Muling tiniyak ng Department of Tourism na ligtas ang mga lugar na pasyalan sa Mindanao.
Kasabay nito, binisita ng DOT chief ang SOCCSKSARGEN para sa Philippine Experience Program ng ahensiya.
Pagtaas ng inflation, dahil sa mababang produksyon −Ekonomista
Hindi sapat ang produksyon ng bansa kaya naman patuloy ang pagtaas ng inflation o yung bilis ng pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ayon sa isang ekonomista.
Kasabay niyan ay pinatutsadahan rin niya ang hakbang ng pamahalaan na ibaba ang taripang ipinapataw sa imported na bigas.
Senado, may 48 na bagong AFP reservists
Isa na namang batch ng mga empleyado ng senado ang ganap na ngayong AFP reservist. ito ay matapos ang matagumpay nilang pagpasa sa basic citizen military course na isinusulong ni Senador Robin Padilla.
1
view
Extradition ni dating Congressman Arnie Teves, nililitis pa sa Timor Leste −Legal counsel
Matapos ang pahayag ng Department of Justice na pumasa na sa unang screening ng Ministry of Justice sa Timor Leste ang extradition case ni dating Congressman Arnie Teves ay nilinaw ng kanyang legal counsel na ito raw ay fake news.
3
views
Tunay na pakay ng pagbisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, kuwestyunable
Pinuna ng isang foreign relations scholar ang pagbisita sa bansa ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
1
view
Tax evasion complaint vs. Bamban Mayor Alice Guo, balak isampa sa DOJ
Inihahanda na ng Presidential Anti- Organized Crime Commission o PAOCC ang mga reklamong isasampa laban kay Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo kung saan ang isa dito ay tax evasion.
Balak din nilang sampahan ng reklamo ang iba pang opisyales sa munisipyo ng Tarlac at ng Yuan, Hong Sheng Gaming Technology at Baufo Land Development.
1
view
Bagong 10K teaching allowance, malaking bagay para sa mga guro sa Manila High School
Para sa mga guro sa Manila High School, malaking bagay ang 10,000 na bagong teaching allowance ng mga guro. maari raw kasing hindi magaabono ang mga guro para sa pagbili at paggamit ng iba't ibang teaching materials.
Pero ang pinangangambahan nila ay ang inflation na baka ang 10K hindi rin pala ganun kalaki para sa mga kakailanganin nilang materyales sa classroom.
1
view
Chinese Coast Guard, inagaw ang suplay ng mga sundalo sa BRP sierra madre
Inagaw ng mga Chinese Coast Guard ang suplay na pagkain na para sana sa mga Pilipinong sundalo na nadestino sa BRP Sierra Madre habang pinabulaanan naman ng AFP ang kumakalat na video na panunutok ng baril ng mga sundalong Pilipino sa mga Chinese.
4
views
Presyo ng luya at bawang, umaabot na sa P400/kg
Mas mahal pa sa presyo ng karneng baboy at baka ang presyuhan ng ilang sangkap ngayon sa palengke sa Metro Manila. ang presyuhan ng luya at bawang, umaabot na sa P400/kg.
1
view
Mahigit 700 indibidwal, inilikas dahil sa pag-alburoto ng bulkang Kanlaon
Nasa mahigit pitongdaang indibidwal mula sa lalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.
Ang nasabing bilang ay pansamantala nang inilikas sa kani-kanilang mga tahanan.
1
view
PHIVOLCS, nakapagtala ng 43 volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 43 volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon.
Samantala, nagbabala naman ang DOH hinggil sa masamang epekto sa kalusugan kapag nakalanghap ng asupre.
Ang Kanlaon City, ayon sa NDRRMC, ay inilagay na sa state of calamity kasunod ng pagsabog ng Kanlaon volcano.
4
views
Programang "isang linggong serbisyo," isusulong ni Imelda Papin bilang bagong opisyal ng PCSO
Itinalaga bilang pinakabagong opisyal ng PCSO ang isa sa kinikilalang jukebox queens na si Imelda Papin. at isa aniya sa kaniyang isusulong na programa ay ang "isang linggong serbisyo."
1
view
Libu-libong pasahero, apektado ang flights dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Kanlaon −CAAP
Marami sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport ang apektado matapos makansela ang kanilang flights dahil sa pagputok ng bulkang Kanlaon.
Sa kabila naman ng pagka-stranded, mas pinili ng mga pasahero ang manatili sa paliparan at umaasa na makakasakay pa rin pabalik sa kani-kanilang mga probinsya.
1
view
Polisiya ng pamahalaan sa sektor ng mangingisda, hindi sapat
Nanawagan ang sektor ng mangingisda sa pamahalaan na magkaroon ng sariling departamento.
Sa ngayon kasi, ang suporta at mga polisiya ng pamahalaan sa kanilang sektor ay hindi umano sapat.
3
views